My Not-So-Two Cents Regarding LGBT

To be honest, I don’t know where and how I’m going to start this post because I feel like there’s so much to say. But since Manny Pacquiao’s statement is the hot topic right now, let’s just start from there so we’ll all be in the same page.

It’s hard to react to someone’s sentiments if he’s referring to Bible verses. Ano’ng panama naman kasi natin dun? Tao lang tayo. Salita ng Diyos ‘yun. I just don’t see the whole point in doing that. Yes, you took the context straight from the Bible. You might think you’re doing something good proclaiming God’s words. Ang tanong ko lang, do you really know EXACTLY what God feels about homosexuals??? Even if it’s in the Bible, do you know for sure na ‘yang pinaglalaban mo ee totoo or are we just taking things out of the Bible too literally???

Kasi for me, ang labo ee. I have friends and family who are gay. Some of them as young as 6 years old, they showed signs and acted like gay because that’s what’s natural for them! Di pa nila alam non na ganon sila, but everyone around them knows. Ang daming nagviral na videos ng mga bata as young as 3 or 4 years old that shows signs na they might be gay basing of course on their actions and choices. If a person as young as that is already gay (though di pa nila alam), how can it be something na God would be against? That’s how they are naturally so how can it be wrong??? Kaya sorry if it’s so hard for me to understand those people who condemn LGBTs kasi I didn’t see anything wrong about expressing who you really are.

I also know for a fact how much these people (well, most of them), struggled just to NOT BE GAY ANYMORE because they didn’t want to be like that in the first place. Who would want to? ‘Yung mga tao huhusgahan ka base sa sexuality mo. Pagtsitsismisan ka. Ibu-bully. Daig mo pa ‘yung mamamatay tao kung i-condemn ka ng iba. Ipaparamdam sayo that the fact that you’re existing is a sin enough for your soul to be burned into hell. So tell me, if you’re not gay, would you volunteer to be one? If the switch is just so simple, if it’s as simple as acting like gay, if it’s not a natural thing, would you want to be one???

Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit sobrang hirap para sa ibang tao na irespeto na lang ‘yung pagkatao ng iba especially if hindi naman sila ginawan ng masama. ‘Yung iba, kung makaarte akala mo santo. Akala mo sugo ng Diyos na ang purpose ng existence ee lipunin ang mga bading. Feeling proud that they are proclaiming the words of God. Balewala na if may masagasaan silang ibang tao. As long as maipaglaban lang nila ‘yung Bible verse na ‘to: “Do not have sexual relations with man as one does with woman. That is detestable.” Funny kasi sobrang daming verses about love sa Bible. And about homosexuality, bihira, and hindi pa elaborated tapos ‘yun pa ‘yung napili nilang ipush.

Nakalimutan na ‘yung mas importanteng basis sa lahat ng nasa Bible na,

“For the entire law is fulfilled in keeping this one command: Love your neighbor as you love yourself.”  

Pati ‘yung stories at verses na nagsasabing ‘wag manghusga. Remember ‘yung story of a woman who will be stoned to death tapos sabi ni Jesus, sino sa inyo and hindi pa nagkasala? At itong verse na ‘to:

“There is only one Lawgiver and Judge, the one who is able to save and destroy. But you-WHO ARE YOU TO JUDGE YOUR NEIGHBOR?”

Sino ka nga ba para manghusga??? Do you think that God would be so happy with you condemning and judging people based on their sexuality??? I don’t think so. And let’s say totoo. Let’s say, ‘yun nga ang stand ni God sa homosexuality? Then why not do as He says na love your neighbor, respect them, and let Him do the judging kung totoo ngang makasalanan ang pagiging bading? Hindi ba mas okay ‘yun? Mas makatao ‘yun. Fair sa lahat. For me, God is just and He won’t condemn someone dahil lang sa bading sila. Hindi ako naniniwala na ganun lang kababaw ‘yun. And if it is truly a grave sin, then I’m letting Him to judge. Hindi ako magmamarunong at manghuhusga kung sino ang makasalanan o hindi. I’ll let God decide on that kasi ‘yun rin naman ang gusto Niya. Ang gusto Niya, magmahalan tayo, magrespetuhan, at ipaubaya sa Kanya ang panghuhusga.

Nakakapikon lang kasi ‘yung iba na akala mo bffs sila ni God na sinabi sa kanya ni God lahat kung ano ang tama at mali. And if you think that God wants you to do that for Him, na matutuwa Siya sa ginagawa mong ‘yan, then I think ‘yung understanding mo kay God ay napakababaw. Kasing babaw ng pag iisip mo at panghuhusga mo sa kapwa.

When I was reading comments, eto pa ‘yung isang nakakainis na issue. Issue ng freedom of speech. Haha! Natatawa na lang ako. Every freakin’ time ‘yan na lang ang excuse ng mga tao. And I’m like, really??? Freedom of speech is a privilege to speak your thoughts, oo. Pero it doesn’t mean that you can just say every single thing you want to say without taking into consideration ‘yung ibang taong masasagasaan mo.

We didn’t get the freedom of speech for free. It cost our ancestors a lot. Some lives were taken para sa freedom of speech na meron tayo ngayon. Pinaglaban ‘yan para wala ng taong maaabuso. Para maipaglaban ‘yung karapatan natin. It was fought for with all the good intentions. Hindi para masabi natin sa isang tao na masahol pa sila sa hayop. Hindi para makapanlait tayo ng kapwa. Hindi rin para makapangbash ng artistang kinaiinggitan. Hindi para makapanakit.

Ngayon kasi, ‘yung mga tao, akala mo required na ibroadcast nila lahat ng gusto nilang sabihin sa madla, lalo na ‘yung mga di nila gusto. Kung makapanlait ng artista, ng tao, akala mo ba ee trabaho nung isa na maiplease siya. Hindi kayang sarilinin ‘yung bad comments na meron sila. Akala mo ang perfect nila.

It’s true that freedom of speech is free if it’s used for the good of humanity. If it’s being abused, it might cost you something like a seat in the Senate, career, friends and loved ones. So dapat talagang mag ingat tayo. This goes for everyone and not just for Manny.

‘Yung mga nagsasabing irespeto ‘yung opinion ni Manny? We respect his opinion. We just can’t stay quiet I guess, kasi mali ee at maraming nasaktan sa sinabi niya. Bago siya magdemand na irespeto yung opinion niya, sana irespeto niya rin ‘yung mga taong part ng LGBT community at sana di niya agad hinusgahan lalo na’t wala namang ginawa sa kanya ‘yung mga ‘yon. Sasabihan niya na mas masahol pa sila sa hayop, asan naman ‘yung respeto dun? Kung nirerespeto niya, sana, di na lang niya brinoadcast ‘yung opinion niya. He should’ve kept it all to himself.

A lot of people reacted to Manny’s statement because it was a direct attack against humanity. I guess we all just want to protect our loved ones who are part of the LGBT community. I wouldn’t want my friends and family to think that they are worthless just because of their sexuality especially if they are good people. I wouldn’t want them thinking that God doesn’t love them because I know for sure He does.

I’m hoping we’ll all have an open mind with this issue. Lahat naman siguro tayo may kaibigan o kamag-anak na gay. ‘Wag po tayong manghusga. Kung meron talagang mali, let’s leave it all to God. I’m sure, ‘yun din lang naman ang gusto nila. ‘Yung irespeto sila, wag husgahan at ipagpaubaya ang lahat sa Taas.

:)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s