When Girls Go Cray

     

To the gentlemen who came across this post, let your girlfriend have a read if you think this post made sense. To all the ladies who stumbled upon this article, don’t be stubborn and accept that we’re partly to blame. ;)

Scenario 1

Boyfriend: Babe, pupunta lang ako sa mga kabarkada ko. Nagkayayaan e. Okay lang ba?

Girlfriend: Kay! (nakasimangot)                                                                                              

Boyfriend: Galit ka yata e? Hindi na lang ako pupunta.                                                        

Girlfriend (with matching pilit na ngiti and understanding angelic voice): Hindi. Okay lang. Punta ka na. Di ako galit. :>                                                                                              

Boyfriend: Sure ka, ha?                                                                                                                

Girlfriend: Oo nga. :) (nakasmile pero ‘wag kang maniniwala. may nagbabadyang giyera sa likod ng nagpapanggap na ngiti niya)                                                                                              

Boyfriend: Thank you! Bait talaga ng baby ko! (ikikiss sa cheek ni boyfriend)

And hayun. Humayo na si boyfriend ng maligaya. Akala niya matiwasay na pumayag ang girlfriend niya, ‘yun pala, nagngingitngit na. 

Girlfriend’s thoughts: Bait your face! Di man lang nahalata na ayoko siyang umalis! Nakuuuu talaga! Kakagigil. Napaka-insensitive! Magsama-sama kayo ng kabarkada mo!!!”>:///

Does this scene seem familiar to you? Kinda happens a lot, eh? Oh, well. Ang daming lumalabas na videos and blogs kung paano i-interpret ang mga sagot ng mga babae regarding situations similar like the one stated above. As much as those interpretations are accurate, hindi naman ‘yon ang root of the problem.

People (especially ladies) should realize and accept that male and female’s brains are wired differently. Our minds do not work the same way. Guys perceive what you’re saying as is. They are simple minded (not meant as an offense) in a way that they will take your words as it is.

 

Nung sinabi mong, “Okay lang. Pumunta ka na. Sumama ka na,” ang nagregister lang sa kanila is pumayag ka. ‘Yun lang ang tumatakbo sa isip nila. 

Hindi nila ina-analyze ang tone, volume at intonation na ginamit mo nung pumayag ka. Hindi nila iniisip na, “Teka, parang tumaas ng isang nota ‘yung pagsagot niya saken a. Tapos parang medyo naging sharp ‘yung pagkakabigkas niya sa last word. Galit kaya siya?” Kahit pa sinigurado mo na may hinanakit at pagtatampo ‘yung pagkakasabi mo, wala pa rin girl. ‘Wag ka ng umasa. Ang nagregister lang sa kanya, “Yes! Pumayag siya.”

‘Yang pagkunot ng noo mo at pagnguso mo? Itigil mo na. Sayang ang effort. Kasi mapapansin niya ‘yan. Tapos sasabihin niya, “Nagtatampo ka yata ee. Hindi na lang ako pupunta.” Tapos medyo magi-guilty ka. Ayaw mo naman lumabas na kontra bida at controlling na jowa kaya biglang kabig ka. Ngingiti ka at gamit ang exaggerated malambing voice, sasagot  ka ng, “Hindi. Okay lang. Sige na. Punta ka na.” :))) At kahit pagkaplastic-plastic ‘yung smile na binigay mo sa kanya, ang mahalaga sa kanya, nagsmile ka. Done. Deal’s closed. Rejoice mode na siya at ready na to gora.

At kung magte-text ka, ‘wag na. Kasi kahit ilang beses mo siyang tadtarin ng death notes mong one-letter-capital-no-period na “K” iisipin lang niyang tinatamad ka. Hindi niya mararamdaman na ang isang letrang ‘yan ay puno ng hinanakit at malalim na pagbabanta.

‘Wag mo na din tangkain magtext gamit ang ALL CAPS. Girl, mase-stress ka lang. Kasi kahit anong all caps mo pa, kahit tadtad na ng exclamation point ang bawat text mo, NGANGA. Walang epek sa kanya. Hindi niya babasahin ‘yan with the same kind of intensity na nararamdaman mo nung sinend mo ‘yung text na ‘yan sa kanya. Ikaw lang ang mase-stress kasi inis na inis ka na, pero kahit anong gawin mo, hindi niya gets na inis ka. Kaya ‘wag na. Sayang ang ganda.

I was exactly like this before. Throwing a fit by myself kasi hindi niya gets ‘yung pinaglalaban ko. Haha! Inis na inis na ko, di pa rin niya alam kaya mas maiinis lang ako. Tapos, ako na ‘yung galit, ako pa kailangang mag-explain kung bakit ako galit. 

Ain’t it funny how we go through all these drama when we could’ve just made things easier by saying directly what our hearts desire? Kung ayaw mo siyang pumunta, pag tinanong ka niya, sabihin mo, ayaw mo siyang pumunta. Umalis man siya, okay lang. At least ngayon, aware siyang galit ka. Hindi siya magtataka. Hindi ‘yung nagngingitngit ka mag-isa habang nag-eenjoy siya, tapos mas nase-stress ka pa kasi pinaparamdam mo ng inis ka, clueless pa din siya. At least pag nagsabi ka, alam niyo parehas na nagtatampo ka at may kasalanan siya.

Kung may time machine, babalik ako sa pagkakataong ‘to para batukan ‘yung sarili ko. Ilang beses nangyari ‘yung mga moments na ‘to at ilang beses niyang paulit-ulit na pinaintindi saken na, “Baby, (please don’t mind the endearment >_<) tell me what you really feel. Kasi ‘pag hindi mo sinabi saken, hindi ko maiintindihan. Kapag sinabi mo kasi saken na okay lang, ‘yun ‘yung iisipin ko e. That’s what I thought all along. Tapos, hindi naman pala tapos magagalit ka.”

Slow ko din ee. Ilang beses pang nangyari ang mga ganyang ganap bago ko tuluyang narealize na he’s never going to get the way I think. He’s not going to get what lies underneath my “yes” using a sketchy voice. He’s not going to get the reason behind the knots in my forehead. He’ll probably think I’m just making pa-cute when I’m pouting my lips. It will take him a while to figure out the difference between a genuine and a forced smile. He’s just never going to fully get it.

Paano nga naman? Sa isip niya, ang yes ay yes, ang no ay no. Tapos biglang ‘yung yes mo, madalas pala ibig sabihin no. It will be so hard to meet an understanding when you’re speaking the same words and yet you’re interpretations are contradicting.

After what he told me, nung mabagok ako at matauhan, nung mapagod akong awayin ‘yung sarili ko, when it finally made sense to me, I always tell him kung ano ba talaga ‘yung nararamdaman ko and iniisip ko and it made everything so much simpler!!!

Minsan naiisip ko, ang lakas din talaga ng sayad nating mga babae. Tayo lang din kasi nagpapahirap sa sarili natin e. Katulad niyan. Di na ako nagtataka kung bakit ‘yung mga lalaki minsan, gusto na lang masiraan. 

Ayaw, sasabihin sige. Dahil akala ng lalaki okay, sisige. Dahil sumige pa rin si lalaki, magagalit. Dahil alam ng lalaki, okay, ‘di niya gets ‘yung bakit ka ngayon nagagalit. Mas maiinis ka lang kasi galit ka na, di pa rin niya alam na galit ka. Ngayon, galit ka na, ikaw pa mag-eexplain sa kanya kung bakit galit ka. In the end kasalanan mo din naman kaya lugi ka.

 

 

If only we say what we really feel, relationships will be much, much simpler and stronger. Life doesn’t have to be complicated at all times. It’s a shame how we create problems for ourselves only to be pissed off and make ourselves cray. 

There’s nothing wrong with being open to what you truly feel. Less misunderstandings. Less drama. Unless of course, you’re asking for it. Haha.

 

Who wouldn’t love a cray anyway?;)))

Advertisements

One thought on “When Girls Go Cray

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s